RLLQPH

No taglines. Only my stuffs

Pangarap na Pag-ibig

1159718055_sadanimegirl11

ILANG minuto na lang at matatapos na ang kanilang graduation ceremony. Ngunit kahit anong gawin ni Martin ay hindi pa rin niya magawang sabihin kay Lara ang kaniyang tunay na narararamdaman—- na umiibig siya dito.

“Bes! I’m so happy! At last, natupad na ang pangarap ko!” bulong ni Lara sa bibig ni Martin habang naka-akbay ito sa kaniya.

Tinitigan naman niya ito. “Ako rin, masaya.” sabay ngiti bago tumingin ulit sa stage.

“Ano ka ba? Nag-da-drama ka na naman diyan! OA ka na Bes ha?” ani Lara.

“Hindi naman. So anong plano mo after graduation?” tanong ni Martin sa kaibigan.

“Siyempre, mag-aaral pa ulit ako habang nagta-trabaho. Tapos, pupunta ako ng ibang bansa para makilala ko ang pinapangarap kong imported na boyfriend. Ayoko kasi sa mga local, gusto ko foreigner.” may diin nitong sabi habang pinipitik-pitik nito ang kaniyang kamay.

Napabuntong-hininga na lamang siya sa narinig mula sa kaibigan. Ibig kasing sabihin, wala siyang pag-asa na masabi ang tunay niyang nararamdaman dito. Ibig sabihin, local siya at hindi foreigner kaya hindi niya kayang higitan ang expectations nito para sa pinapangarap na boyfriend. Gusto niyang sumigaw upang tutulan ang sinasabi nitong kahibangan ngunit maghihintay siya ng tamang tiyempo para sa bagay na iyon.

DALAWANG linggo pagkatapos ng graduation, hindi sinasadyang nakita ni Lara si Martin na may kasamang ibang babae. At base sa kaniyang radar, tila may namamagitang kakaiba sa kanilang dalawa! Sobra kasi silang close sa isa’t isa! Para silang mga linta kung maglambingan.

“Ano ba Martin, nakikiliti ako.” mahinang tili ng babae habang kinikiliti ito ni Martin.

“Ok lang yan, sanay ka na naman sa ginagawa ko diba?” sagot naman nito.

Bigla siyang sumulpot sa harapan nila. “Eherm! Hi Bes!” aniya bago inirapan ang babaeng nilalandi ng kaibigan.

“Oh! Hi Bes! Nga pala, si Beatrice—-” ani Martin ngunit biglang sumingit si Lara habang ipinapakilala niya ang babaeng kasama niya.

“Hi Bea! I’m Lara, bestfriend ng Martin mo.” mataray niyang sabi kay Beatrice. “If you’ll excuse me Bes, enjoy yourselves na lang. Hmpf!” bulong niya kay Martin bago niya ito iniwan.

Habang naglalakad, inaasahan niyang susundan siya ni Martin ngunit nanatili lamang ito sa tabi ni Beatrice. Naiinis siya dahil bilang matalik nitong kaibigan, dapat ay magpaliwanag ito sa kaniya! Ngunit anong ginawa ni Martin? Hindi man lang ito natinag sa kaniyang kinatatayuan.

Napakagat siya ng labi. Tama nga naman si Martin. Bakit ba siya nito susundan? Sino ba siya para dito? Hindi naman sila mag-on at hindi niya ito type bilang maging boyfriend niya. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nagseselos siya dahil mahal niya si Martin—- ang matalik niyang kaibigan!

LUMIPAS ang ilang buwan at pilit niyang hinahanap ang kaibigan upang magpaliwanag dito. Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya ito mahagilap at pakiramdam niya ay unti-unting nasasayang ang oras niya. Pakiramdam niya ang sasabog ang dibdib niya sa tuwing naaalala si Lara.

“Cuz, what’s happening to you? Ni hindi ka na kumakain sa tamang oras. Yung healthy daily routine mo, di mo na rin ginagawa. Ano ba! Get back to your old-self.” ani Beatrice habang kinakatok ang kotse niya.

Pinagbuksan niya ito ng bintana. “Bea, ito ang old-self ko. Too old and too late to say how much I love her! Kasalanan ko dahil hindi ko agad sinabi sa kaniya. Kasalanan ko dahil hindi ko siya nahagilap after ng graduation ceremony. Kasalanan ko dahil pinagselos natin siya. At kasalanan ko dahil wala akong magawa upang mahanap siya!” usal niya habang tumutulo ang mga luha sa kaniyang mga mata.

Ang bigat ng pakiramdam niya. Tila binitbit niya ang lahat ng problema sa buong mundo. At sa bawat segundong lumilipas sa kaniyang buhay, pakiramdam niya ay unti-unting nawawala ang tiyansa na makita pa niya si Lara—- ang babaeng nagpatibok ng buong-buo sa kaniyang puso. Isang babae na itinuring niyang matalik na kaibigan at pilit na pinigilan ang kaniyang nararamdaman para dito, matupad lamang ang sarili nitong pangarap.

“Paalam Bea, hahanapin ko ulit siya.” aniya bago pinaharurot ang sasakyan papalabas ng kanilang bahay.

Mabilis namang humabol si Beatrice ngunit wala rin siyang nagawa. “Cuz! Stay here!” sigaw nito ngunit tanging mga kaluskos ng puno lamang ang sumagot sa naiwan niyang pinsan.

MASAYANG nakabalik si Lara mula sa ibang bansa. At sa kaniyang pagbabalik, may sumalubong sa kaniya na pamilyar ang pagmumukha—- si Beatrice.

Nginitian niya ito at sinalubong ngunit isang malakas na sampal ang ibinigay sa kaniya nito. Tila nabalutan siya ng yelo sa nangyari. Si Beatrice? Ang babaeng kinakalantari ni Martin, sinampal siya? Ang kapal talaga ng pagmumukha! Ano bang kasalanan niya dito? Gaganti sana siya ngunit mabilis din siyang niyakap ni Beatrice pagkatapos niyaon.

“Hey! What are you trying to do!?” sigaw niya rito.

“Bakit ngayon ka lang? Ang tagal kang hinintay ni Martin! Alam mo ba yun!?” sagot naman ni Beatrice sa kaniya.

“Excuse me! In the first place, hindi kami mag-on ni Martin so wala siyang dapat hintayin. Plus, masaya naman siya sa piling mo kaya inalis ko na ang sarili ko sa eksena.”

“It doesn’t matter! Hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo!”

“Anong hindi naiintindihan? Kilala ko si Martin dahil bestfriend ko siya. May pangarap siyang dapat tuparin, at siyempre ako rin. Amanos lang kami.”

“Ma– Martin, my cousin died a couple of years ago due to car accident. At para bayaran ang pagkakamali ko bilang nakakatanda niyang ate, ibibigay ko na sayo ito.” pautal-utal na sabi ni Beatrice habang nag-uunahang makahalik sa lupa ang mga luha nito. Kasunod ay ang pagbigay nito sa kaniya ng diary ni Martin bago siya nito tuluyang iniwang nag-iisa nang hindi man lamang gumanti sa sinabi niya.

“No… this can’t be true!” tanging naibulong niya sa sarili habang pilit na inaalalayan ang sarili sa pagtayo.

BINUKLAT niya ng diary ni Martin at natagpuan ang nag-iisang entry duon.

Hey Ciren! Gising!

Pagod na ako. Ang hirap palang hanapin ang ayaw magpahanap. Kasi naman, bakit hindi mo na lang ako pinahiram ng fairy powers mo. In the first place, bakit ba ako nagsusulat ng ganito!? Eh hindi naman talaga ako romantiko o nobelista. Pasang-awa nga lang ako sa technical writing namin nuon ni Lara, mas magaling kasi siyang mag-express ng nararamdaman niya kaysa sa akin.

Ewan ko ba, pero pakiramdam ko, parang unti-unting nauupos ang kandila ng buhay ko. Siguro hinihipan mo yun no eversince na tinawag kita dito sa diary ko? Bad kang fairy ka! Pero ok lang, cute ka naman eh. Saka diba, usapan natin, pag nagkaruon ako ng anak, ang ipapangalan ko eh Ciren. Cute kasi yung name like you. Sana nga lang, si Lara makatuluyan ko. Para at least, hindi na ako mahihirapang manligaw sa ibang babae, diba?

Ako!? Iiyak? No way! Strong Martin ata to! Take note, wala akong ibang babaeng minahal kung hindi yang best friend ko! At kahit anong mangyari, siya lang ang nilalaman nitong puso ko. At wag kang tatawa, or else, pi-prituhin kita.

Basta, kahit anong mangyari, hahanapin ko siya. At pag hindi ko siya nahanap, ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya sa mga kahibangan ko ha. Halika nga rito anak, payakap nga.

“I love you Lara!” <- Yan ang pangarap ko na sabihin sa kaniya, corny ba?

Martin (torpeng ewan)

Dahan-dahan niyang isinara ang diary ni Martin habang walang humpay na umaagos ang tubig sa kaniyang mga mata. At kahit maliwanag ang kaniyang kwarto ay unti-unti niyang naaaninag ang pagsalubong ng takipsilim sa harapan niya. Madali at mabilis niyang naalala ang lahat ng mga pinagdaanan nila ni Martin. At bawat butil niyaon ay may katapat na hibik mula sa kaniyang namamaos nang bibig.

“Ciren… anak ko… please forgive me.” tanging naibulong niya sa sarili.

AUTHOR’S NOTE

Ang entry na ito ay espesyal kong iniaalay kay OTEP, para sa kaniyang LLM T-Shirt eklavu. Dapat daw maraming comments na makuha ang post ko na ito kaya nakikiusap ako! Lagyan mo na ng laman yang comment form sa ibaba at mag-komento. Ahuhuhu!

Sa mga nakabasa, sana, nagustuhan ninyo ang entry ko, dahil ito ang isa sa aking mga natatagong pangarap pagdating sa pag-ibig, (ikanga, ang lovelife ko ay complicated, kaya idinaan ko na lang dito. T_T

Inihanay sa:Maikling Storya

44 Responses

  1. curious_girl ay nagsabing:

    Gudluk po sa contest! Sana ay makuha mo na ang iyong pinapangarap. Sa tingin ko Pag-ibig ang isa sa mga mahirap na abutin na pangarap. Di tulad ng pera, trabaho, pagkakaroon ng mga materyal na bagay, etc, ay makukuha sa pagsisikap ng iisang tao (IKAw) samantalang para makuha mo ang PERFECT LOVE kailangan dalawa kayong magsikap..

  2. jason ay nagsabing:

    sana ay matupad ang pangarap sa iyong buhay pag-ibig

    maovercome mo sana ang pinagdaanang sakit at hinagpis.
    at siguradong meron at merong ag ibig na nakalaan sa yo

    add kita sa blogroll ko hehehe

  3. jason ay nagsabing:

    pangarap nating matupad
    ang mga pangarap natin

  4. jason ay nagsabing:

    goodluck sa yo foobarph!!!!

    tutulungan kita heheh

  5. bhadz ay nagsabing:

    T_T wala lang..he he he… kakalungkot nman to,,kala ko masaya ung ending..

  6. dencios ay nagsabing:

    teka, gawa mo din ba yung illustration mo? galing a :)

  7. dencios ay nagsabing:

    ….unless talaga nakakarelate at nagmamahal ka. (tulad ng sayo foobarph, uyyyy!) hehehe

    more, more, more!
    :D

  8. dencios ay nagsabing:

    ang galing naman ng istorya. original ha. nakakapagod at nakaka drain ng utak ang makabuo ng parang my flow at interaction ng characters. :)

  9. bernardumali ay nagsabing:

    uy, dinadaan sa pagsusulat. kwento mo na details ng complicated lovestory mo hehehe.

  10. jeko11 ay nagsabing:

    good read, keep it up! :)

  11. sandijmartin ay nagsabing:

    ganda nito! nilabas mo rin ang ang galing mo sa pagsusulat ng ‘wento..

  12. Banxietyy07 ay nagsabing:

    ayos astig ang story.

  13. anakngpating ay nagsabing:

    wow ngayon ko lang nabasa astig..ng story pramis..
    lupet talaga..:)

  14. lautootx ay nagsabing:

    hehe. ayos po yan ah. sana po matupad ang pinapangarap mo pong pangrap. ahahaha! napadaan lang po… :)

  15. cath ay nagsabing:

    yay! ito pala ng free t-shirt na yun..
    ayos ah.. tagoosh!

    lesson: there are also regrets in doing nothing..

    good luck kuya..

  16. marikenya ay nagsabing:

    mister romantiko, ito ang handog ko para sa ‘yo, ang aking komento.. :D

    good luck, sana manalo ka.

  17. dandalet21 ay nagsabing:

    huhuhuhuh!!! nakakaiyak naman etong story nato!!! uhuhuhuhuh!!! sana po di namatay c martin!!!huhuhu

    d best namn etong story!!! more story like this o come.. para aiba naman!!!

  18. Pepe McKunat ay nagsabing:

    phew!
    wala akong masabi.
    :)

  19. anakngpating ay nagsabing:

    kuya balikan ko to, bukas pauwi na kasi ako ngayon lang nabisita hehe..

  20. glory ay nagsabing:

    wow… nice… nkakatouch..

    hope wish u matupad…

  21. Louise ay nagsabing:

    ayos yan, ganda! hehe… wish ko lang matapos, goodluck! ;)

  22. blurosebluguy ay nagsabing:

    wow! kaganda naman….pangarap na sana magkaroon ng katuparan, who knows?

  23. foobarph ay nagsabing:

    anong scene? ay naku, wala ng ibang scene yun dencio! sobrang ngarag na ako dito. nyahaha!

Leave a Reply

I SoW You!


Jason Hamster - Sa tuwing mag-po-post ako, laging may komento sa akin ang makulet na hamster na ito. Kaya naman bilang pasasalamat ay siya naman ang aking bibiktamahin para sa pakulo kong ito! Hiyah!

More information? Click here!

Follow Me!



I Support





Wikipedia Affiliate Button