Luha’y naiipit,
hibik di makalihis,
mula sa ibinaon mong sundang,
sa puso kong di makatili.
Kung atin pa ang bukas,
sana ika’y makasama,
ngunit lakas ay unti-unti nang nawawala,
naglalaho… nanghihina.
At sa isang sulok ng aking pag-ibig,
ikaw lamang ang nasisilayan,
ika’y nagsasalita ngunit boses mo’y tila di makasalta,
ika’y tumititig ngunit sulyap mo’y di masilayan.
Kung kalungkutan ang daan upang lumigaya,
patutuluyin mo ba aking sinta?
Kung kamatayan ang tulay sa magpakailanman,
papayagan mo ba aking sinta?
Inihanay sa:Tulaan Sa Tren












Last Commenter